-- Advertisements --

Pinawi ng Pagasa ang posibilidad na magkaroon ng “Fujiwara effect” o paghahatakan ang dalawang bagyo sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon kay Pagasa forecaster Benison Estareja, naging low pressure area (LPA) na lamang ang dating bagyong Ramon na una nang nanalasa sa Northern Luzon.

Dahil dito, inalis na ang signal warnings na inilabas para sa nasabing sama ng panahon.

Sa ngayon, ang bagyong Sarah na lamang ang umiiral sa ating bansa.

Huli itong namataan sa layong 540 km sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 30 kph.

Taglay ng bagyong Sarah ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.
Signal number one:

Batanes, northeastern portion ng Cagayan (Gattaran, Lal-lo, Buguey, Gonzaga, Sta. Ana at Calayan) at Babuyan Islands.