-- Advertisements --
Congresss House of reps
House of Representatives

Inirekominda ng ilang kongresista ang pagsasagawa ng random check up ng Philippine Military Academy (PMA) sa kanilang mga kadete.

Ayon ito kina House Deputy Majority Leader Bernadette Herrera-Dy at DIWA party-list Rep. Michael Edgar Aglipay kasunod nang pagkakamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio .

Sinabi ni Herrera-Dy na malalaman sa pamamagitan ng random check up kung may kadete na pinapahirapan at naabuso sa loob ng PMA.

Kung palagian aniya ang random check up sa mga kadete, naniniwala Herrera-Dy na mawawala ang pang-aabuso sa Anti-Hazing Act of 2018.

Iginiit ni Aglipay na dapat third party ang magsagawa ng susuri sa mga kadete para hindi na maulit pa ang nangyari kay Dormitorio.