Nagsagawa ng random inspection ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa mga nagbebenta ng face shield sa Lungsod ng Maynila.
Sa pag-iikot ng DTI kasama si DTI-Consumer Protection Group Undersecretary Ruth Castelo sa limang tindahan sa Bambang, napansin niya na may ibang tindahan na mababa lamang ang presyo ng benta sa mga face shields habang ang iba naman ay sobrang mahal.
Maglalaro sa P26 hanggang P50 ang suggested retail price ng mga basic face shields na gawa sa acetate at frame. Posible lamang na lumagpas sa SRP kung ibang materyales na ang gagamitin sa paggawa nito.
Ang sinomang lalabag sa SRP na itinakda ng DTI ay paparusahan at kakasuhan dahil nilabag nila ang Republic Act No. 7581 o The Price Act na siyang nagbibigay ng proteksyon sa mga consumers ng stabilize na presyo sa basic necessities at prime commodities.
Nagbigay naman ng payo si Usec. Castelo sa publiko na hindi kayang bumili ng face shield dahil mas gugustuhin na lamang nila na ipambili ito ng pagkain.
Mas maganda raw na gumawa na lang ng sarili face shield ang publiko o “do it your own” na lang basta dapat ay siguraduhin na ang gagamitin ay plastic o acetate.