-- Advertisements --

Nabigo si Iga Swiatek kay Zheng Qinwen ng China sa tennis semifinals ng Paris Olympics.

Nadomina ng Chinese tennis player ang laro 6-2, 7-5 para tuluyang pahiyain ang ranked number 1 at four time French Open champion.

Sa second set ay hawak na ng number 7 na si Zheng ang kalamangan 4-0.

Isang malaking upset ang pagkatalo ng 23-anyos na Polish tennis star dahil sa dominante ito sa French Open.

Makakaharap ng 21-anyos na si Zheng si 13th seeded na si Donna Vekic ng Croatia.