Bumaba ang puwesto sa world ranking sa World Athletics ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena.
Sa inilabas na ranking ng World Athltetics ilang araw matapos ang 2024 Paris Olympics ay nasa pangatlong puwesto na ito.
Mas mababa ito ng isang puwesto na dati ay nasa pangalawa na kaniyang hawak mula pa noong Hulyo 2023.
Nanguna pa rin sa puwesto si Olympic gold medalist Armand Duplantis ng Sweden habang pangalawa sa puwesto si Sam Kendricks ng US.
Ang pambato naman ng Greece na si Emmanouil Karalis na mula sa dating pang-walong puwesto ay nasa pang-apat na puwesto na ito matapos ang nakamit nitong bronze medal noong Olympics.
Base sa World Athletics rankings na ibinabase nila ang rankings sa pamamagitan ng score sa performance na binubuo ng dalawang primary components ang results score at ang puwesto sa competitions.
Magugunitang nagtapos sa pang-apat na puwesto si Obiena sa nagdaang Paris Olympics.