-- Advertisements --

DAVAO CITY – Umabot sa isang daan ang natalang kasong panggagahasa sa Davao City mula Enero hanggang Agosto nitong taon.

Ayon kay Police Major Ma. Teresita Gaspan, spokesperson ng Davao City Police Office, sa nasabing bilang, 40 na mga suspek ang nahuli at nasampahan na ng kaso habang 60 naman ang nananatiling at large at patuloy pang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Sa nasabing bilang, 11 na mga kaso ang kinabibilangan ng mga amang gumahasa sa sarili nilang mga anak.

Habang tatlong lolo naman ang nasampahan ng kaso dahil sa panggagahasa sa kanilang mga apo.

Habang ang ibang mga suspek naman ang nakilala ng mga biktima sa pamamagitan ng text o di kayay kapitbahay, step father at kapamilya.

Base sa datos, kadalasan sa mga biktima ay mga menor de edad na nasa 82 ang bilang.

Sa 100 na kaso, siyam nito ay male to male cases, habang 91 naman ang mga kababaehang ginahasa ng mga lalaki.