-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Lomobo ang bilang ng rape cases sa probinsya ng Cotabato nitong una at ikalawang quarter ng taong 2019.

Ito ang kinumpirma ni Cotabato police provincial director Colonel Maximo Layugan.

Umaabot sa 12 kaso ng panggagahasa ang itinaas kung ihadambing sa datos noong nakaraang taon sa parehong panahon.

Nilinaw naman ni Layugan na ang pagtaas nang bilang nang kaso panggagahasa ay dahil na rin sa tiwala ng mamamayan na iparating sa pulisya ang insidente.

May mga panggagahasa na matagal nang nangyari at ngayon lang naglakas-loob ang mga biktima na itoy iparating sa mga otoridad.

Nanawagan naman si Layugan sa taong bayan na kung mabiktima ng panggagahasa ay wag mahiya na i-report sa pulisya para agad maaksyunan at mga mahuli ang mga suspek.