-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Patay ang 29-anyos na suspek sa pangagahasa sa isang walong taong gulang na batang babae sa lungsod ng Tacurong, Sultan Kudarat matapos umano itong manlaban sa mga pulis.

Ito ang kinumpirma ni PLt. Col. Joan Maganto, hepe ng Tacurong PNP sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Maganto, itinuro ng batang biktima ang salarin sa mga pulin matapos itong gahasain at iniwan ng salarin sa masukal na lugar sa pag-aakalang patay na ito.

Matapos na itinuro ng biktima ang salarin, agad na nagsagawa ng operasyon ang pulisya at inaresto ang salarin.

Pagdating sa investigation section ng Tacurong City PNP para sana kuhanan ng pahayag ang salarin, nakipag-agawan ito ng armas sa isang pulis at aksidente umanong nabaril ang salarin at idineklarang dead-on-arrival sa Sultan Kudarat Provincial Hospital.

Tumulong pa raw ang salarin sa paghahanap sa nawawalang biktima sa pag-aakalang hindi ito mahuhuli sa ginawang krimen.

Dagdag pa ni Maganto, dati pa na may kaso ang nasabing salarin na Acts of Lasciviousness pero temporaryong nakapiyansa ito.