-- Advertisements --

Arestado ang isang lalaki na nasa likod ng panghahalay sa isang 15-anyos na dalagita sa Maynila.

Ayon sa Manila Police District (MPD) agad silang gumawa ng hakbang matapos na sumulat ang biktima kay Manila Mayor Isko Moreno.

Niloko umano ng 43-anyos na suspek ang biktima at dinala ito sa isang motel sa Caloocan City.

Nasakote ang suspek sa isang establishimento sa kahabaan ng Tayuman st.