NAGA CITY- Ilang araw matapos ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pagpapasuko sa mga convicted criminals na napalaya sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law, isang dating inmate rin ang personal nang sumuko sa Iriga City.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na boluntaryong sumuko sa mga otoridad ang nasabing GCTA beneficiary na kinilala sa pangalang Jerome Potencio, 28-anyos ng Barangay Sto. Domingo sa nasabing lungsod.
Si Potencio ang nahaharap sa kasong Rape at una nang nakulong sa New Blilibid Prison, Muntinlupa City noong July 9, 2016.
Sa ngayon nananatii na sa kostodiya ng Iriga City- PNP ang nasabing surrenderee para sa kaukulang disposisyon.
Una rito kinumpirma ni PBGen Arnel Escobal, Regional Director ng Police Regional Office (PRO5) na isang ex-convict na rin ang sumuko sa Daraga, Albay.