-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Naglunsad na ng rapid damage assessment ang Department of Social Welfare and Development, kasama ang Office of the Civil Defense at ang lokal na pamahalaan sa bayan ng Mainit, Surigao del Norte sa Brgy. Siana, kungsaan naganap ang mudslide matapos bumigay ang tailings storage facility ng mining company na Greenstone Resources Corporation ko GRC.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Marko Davey Reyes, tagapagsalita ng DSWD-Caraga, umabot sa 266 na mga pamilya ang inilikas sa iba’t ibang evacuation centers habang umabot naman sa 25 kabahayan ang nasira.

Binisita na rin ng mga opisyal ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ang nasabing lugar at nabigyan na ng mga food at non-food items ang mga apektadong pamilya.