-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Magpapatuloy nitong araw ang assessment ng mga personahe ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at iba pang mga ahensiya ng lokal na pamahalaan ng General Santos City kung saan aalamin ang pinsala na naidulot ng magnitude 6.1 magnitude na lindol na tumama nitong LInggo dakong alas-12:22 ng tanghali sa Magsaysay, Davao del Sur.

Kabilang sa iinpeksyunin ang mga matataas na gusali, school buildings, hotels at iba pa.

Kasunod ng pagyanig ay kaagad na nagsagawa ng assessment ang mga duty personnel ng CDRRMO sa mga malls, mga establisimento sa sentrong bahagi ng lungsod at sa mga government offices.

Sa naging resulta ng assessment, walang injuries at major damage sa mga infrastracture na dulot ng pagyanig.

Kapansin-pansin naman na isang mall sa lungsod na kalmado ang mga mall goers at hindi na nagsilabasan ang mga ito kasunod ng lindol hindi tulad noong mga nakaraang buwan na nangyaring malakas na pagyanig.

Samantala, kaagad rin na nagsagawa ang mga tauhan ng Alabel fire station ng rapid damage assessment and needs analysis sa mga gusali katulad ng palengke, paaralan at iba pang istraktura sa Barangay Poblacion, sa nasabing bayan kasunod ng lindol.

Ang Alabel ay nakaranas ng intensity 4 sanhi ng naturang pagyanig.
Sa initial na resulta ng assessment, walang naapektohan na istraktura sa nasabing lugar.

Kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nasa intensity 5 ang naramdaman sa Kidapawan City, Koronadal City, South Cotabato.

Intensity 4 naman sa Alabel, Kiamba, Sarangani, General Santos City at South Cotabato; Intensity 2 sa Cagayan de Oro, Gingoog, Misamis Oriental; at Intensity 1 sa Cagayan de Oro, Misamis Oriental.