-- Advertisements --

Nakatakdang magdeploy ngayong araw ng mga aircraft  ang pamunuan ng Northern Luzon Command (Nolcom) para magsagawa ng Rapid Damage and Needs Analysis (RDNA) sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Ompong.

Ang mga nasabing aircraft ay siya ring mag transport ng mga relief goods.

Ayon kay Northern Luzon Command Commander Lt. Gen. Emmanuel Salamat na lahat ng kanilang mga assets ay kanilang imobilize para mabigyan ng karampatang tulong sa mga komunidad na hindi pa madaaan sa nagyon partikular sa Northern at Central Luzon.

Nakadeploy na rin sa ngayon ang mga Disaster Response Task Units (DRTUs) sa buong lugar ng Northern at Central Luzon na siyang nangunguna sa HADRO sa mga tinaguriang calamity-striken communities sa pakikipag tulungan sa mga local DRRMCs, OCDs at mga stakeholders.

Kahapon nagsimula na rin magsagawa ng search and rescue and clearing operations sa Cagayan.

Sa ngayon, nakatutok na ngayon ang buong pwersa ng Northern Luzon Command (Nolcom) sa Humanitarian and Disaster Response Operations sa mga biktima ng Bagyong Ompong.