Sinimulan na ang rapid testing para sa mga Health workers, at mga Persons under Investigation with Mild symptoms na naka home quarantine.
Pinaunlakan nito ni Mayor Benjamin Magalong pagkatapos nitong kumunsulta sa mga government health practitioners upang mas mapadali ang pagtutukoy kung sino ang maaring infected at isasailalim sa facilitate treatment, Isolation, at contact tracing.
Ang mga PUI na may mild symptoms at magpositibo sa nasabing test ay dadaan sa PCR Confirmatory testing habang ang magnenegatibo naman ay ipagpapatuloy pa rin ang kanilang 14 day quarantine.
Ayon naman kay City Health Officer Dr. Rowena Galpo nasa 23 na mga PUI na ang nag negatibo sa test habang ang 36 na sumailalim sa pagsusuri nitong Lunes ay inaantay pa ang resulta.
Dagdag ni Magalong, Nasa 400 na mga testing kits ang nasa lungsod upang masuri ang lahat na mga PUI’s na naka home quarantine.