-- Advertisements --

LA UNION – Patay na ng matagpuan ang suspek na si David Oseas Ramirez, 56, sa Duval County Jail sa Jacksonville, Florida, noong martes ng umaga.

Nahatulan ito ng habang buhay na pagkakabilanggo sa kasong child sex abuse noong 2013.

Ayon sa ulat, nagkasagutan sina Ramirez at Paul Dixon na kasama nito sa selda hanggang sa nagkasakitan ang mga ito kung saan inilublob ng huli ang una sa inidoro na dahilan ng kamatayan nito.

Bagama’t may nakakita sa pangyayari ay ayaw naman umano nitong makipagtulongan sa mga otoridad.

Ayaw din umano magsalita ni Dixon sa mga imbestigador at humingi ito ng abogado.

Samantala, 17 anyos pa lang noon si Dixon nang mabilanggo sa kasong murder at nahaharap ulit ito sa kaparehong kaso.