Tuluyan sinampahan ng kasong assault ang American rapper na si A$AP Rocky.
Kasunod ito sa kinasangkutang gulo sa Stockholm Sweden nong Hunyo 30.
Ayon kay Swedish public prosecutors Daniel Suneson, na kasama ni Rakim Mayers sa tunay na buhay ang dalawang lalaki na binugbog ang biktima.
Hawak nila ang surveillance video mula sa Grand Hotel at sa burger restaurant ganoon ang mga cellphone videos.
Dumepensa naman ang abogado nitong si Sloban Jovicic na pinagtanggol lamang ng rapper ang sarili nito.
Mula pa noong Hulyo 3 ay nasa kustodiya na kapulisan sa Sweden ang tatlo.
Magsisimula ang pagdinig sa kaso ng mga ito sa darating na Martes.
Maraming mga kapwa singer nito ang huminig na ng tulong kay US President Donald Trump para sa agarang paglaya ni Rocky.
Subalit ayon sa legal expert sa Sweden na pinagbabawal sa constitution ng bansa ang pangingialam ng sinumang opisyal ng bansa sa anumang kaso.