-- Advertisements --
Cardi B
Cardi B/ Twitter image

Posibleng mahaharap sa kaso ang rapper na si Cardi B matapos na ito ay madiin sa pagdinig na isinagawa ng grand jury sa gulong kinasangkutan nito sa Queens, New York.

Hindi pa binanggit ang kasong maaaring kaharapin ni Cardi B hanggang hindi pa nagsisimula ang arraignment sa darating na Hunyo 25 sa Queens Criminal Court.

Naganap ang kaguluhan noong Agosto 2018 kung saan sinaktan nito ang isang babaeng bartender na sinasabing karelasyon ng asawa nitong si Offset.

Oktubre noong nakaraang taon ay inaresto ito dahil sa reklamo matapos na masugatan ang mga biktima sa ginawang pagbato ng bote at upuan ng rapper.