-- Advertisements --
DMX RAPPER 1
DMX / FB IMAGE

Pumanaw na ang American rapper at actor na si Earl Simmons o kilalang Dark Man X o DMX sa edad 50 matapos na atakihin sa puso dahil sa drug overdose.

Kinumpirma ng kaniyang kaanak ang pagpanaw ng rapper matapos ang pananatili ng ilang araw sa White Plains Hospital sa New York.

Noong nakaraang dalawang linggo ng itakbo ito sa pagamutan matapos na mawalan ng malay.

Nilagyan ito ng life support dahil sa kawalan ng brain activity.

Ilan sa mga pinasikat nitong kanta ay ang “Party Up (Up in Here)” at “X Gon’ Give It To Ya”.

Inilabas niya ang unang albuma noong 1998 na “It’s Dark and Hell is Hot” na nanguna sa Billboard 200 chart ng limang magkakasunod na linggo.

Mayroon din mahigit na 40 mga pelikula na gumamit ng kaniyang kanta gaya ng mga pelikulang “Belly”, “Romeo Must Die” , “Cradle 2 the Grave”.

Nagpaabot naman ng kalungkutan at pakikiramay ang mga kapwa nitong mga singer at artista.