Kinilala bilang highest earning musician of the decade ng Forbes magazine ang singer na si Dr. Dre.
Mayroon itong kabuuang kita na $950 million.
Bagamat hindi na ito naglabas ng album mula pa noong 2015 ay naging record-breaking ang kaniyang “Compton” album na karamihan ay galing sa mga buyouts ng 20% ng Beats noong Mayo 2014 na kaniyang pag-aari din.
Sa taon din yun kasi binili ng kumpanyang Apple ang headphone company na itinaguyod ni Dr. Dre at Jimmy Lovine sa halagang $3-Billion.
Pumangalawa naman sa puwesto si Taylor Swift na mayroong $825-M na kita, pangatlo si Beyonce ($685-M), pang-apat ang bandang U2 ($675-M) , panglima ang rapper na si Diddy ($605-M), pang-anim si Elton John ($565-M), pang-pito ang rapper na si Jay-Z ($560-M) , pang-walo si Paul McCartney ($535-M), Katy Perry ($530-M) at pang-sampu si Lady Gaga na may kitang $500-M.