-- Advertisements --

Dinala sa pagamutan ang rapper nas i Lil Nas X amtapos ang makaranas ng pagka-manhid ng kalahati ng kaniyang mukha.

Sa social media account nito, nagpost ang 26-anyos na rapper habang nasa pagamutan.

Sinabi nito na hindi na niya magalaw ang kanang bahagi ng kaniyang mukha.

Nagbiro pa ito na hindi rin siya makangiti dahil sa sakit.
Hindi na nagbigay pa ng anumang detalye ng kaniyang sakit.

Magugunitang ilang mga kilalang celebrity ang dumanas rin ng parehas na sakit mula sa iba’t-ibang dahilan.

Taong 2022 ng tamaan ang singer na si Justin Bieber ng Ramsay Hunt syndrome kung saan hindi niya magalaw ang kalahati ng mukha niya.

Habang ang Philadelphia 76ers star Joel Embiid ay dumanas rin ng parehas na sakit dahil sa Bell’s palsy na mayroong biglaang panghina ng kaniyang muscle sa mukha noong Abril 2024.