-- Advertisements --

Inireklamo ang American rapper Cardi B ng babae na kaniyang binato ng microphone sa show nito sa Las Vegas.

Una ng nagulat ang singer ng bigla itong buhusan ng hindi malamang likido habang kumakanta.

Bilang ganti ay binato ng singer ng microphone ang babae na nagbuhos sa kaniya ng isang basong likido.

Bukod pa sa babae na nagbuhos ng likido sa singer ay mayroong isa pang audience ang tinamaan ng microphone.

Desidido naman ang babae na magsampa ng kaso laban sa singer.