-- Advertisements --

Nahaharap sa kasong sex trafficking ang rapper na si Diddy.

Ayon sa nagrereklamong dating adult actress na si Adria English na nakilala niya ang rapper noong 2004.

Nag-audition ang nobyo nito sa Sean John modeling gig ng dumating ang rapper.

Dito ay pinapagawa ng malaswa ang nobyo subalit hindi ito pumayag.

Inalok sila na lamang na maging “go-go dancer” sa party ng rapper at pumayag sila.

Nagulat na lamang sila na dito ay pinadroga sila at pinilit pang makipagtalik sa mga bisita ni Diddy at pinagpasa pasa ito na makatalik ng ibang mga bisita.

Kaya sila nagsampa ng reklamo umano ay dahil sa hindi tinupad ng rapper ang pangako nito na tutulungan siyang bumuo ng all-girl group at sa halip ay na-blackmail siya.