Nagsalita na sa unang pagkakataon ang rapper na si Drake matapos ang madugong stampede na ikinasawi ng walong katao sa ginanap na Astroworld Music Festival sa Houston, Texas.
Ipinaliwanag nito ang kaniyang pananahimik ng ilang araw at hindi nagsalita tungkol sa pangyayari.
Kuwento ng rapper na pinilit niyang manahimik subalit hindi na nakayanan ng kaniyang konsensya.
Dagdag pa nito na labis na nasaktan ang kaniyang puso at nakikiramay ito sa mga nasawing biktima.
Patuloy niya ipagdarasal ang lahat ng mga nasawi at nasugatan sa insidente.
Maguguntiang naging isang suprise perfomer si Drake sa festival na ginanap nitong weekend na kinanta ang “Sicko Mode” kasama si Travis Scott.
Walang malay ang dalawa na mayroon na pa lang tulakan at stampede na nagdulot ng pagka-suffocate ng mga biktima.
Dahil sa pangyayari ay nangako ang rapper na si Travis na kaniyang sasagutin ang funeral expenses ng walong katao na nasawi sa insident na pawang mga edad 14 hanggang 27.