-- Advertisements --

Patay ang rapper at hype man na si Fatman Scoop matapos mawalan ng malay sa stage.

Kinumpirma ito ni Hamden Mayor Lauren Garrett, matapos na itakbo sa pagamutan ang 56-anyos na rapper.

Nangyari ang insidente habang kumakanta ang rapper sa Hamden Town Center Park ng ito ay mawalan ng malay.
Dinala pa siya sa pagamutan subalit hindi na rin ito nagtagal.

Si Fatman Scoop o Isaac Freeman sa tunay na buhay ay nakilala sa kanta nitong “Be Faithful” noong 1999 na siyang nanguna sa Billboard’s Hot Rap Songs at Hot R&B/ Hip Hop Songs charts.

Nakasama na rin nito sa mga kanta sina Mariah Carey, Janet Jackson, Missy Elliott at maramng iba pa.