Itinanggi ng rapper na si Jay-Z ang alegasyon na mayroon itong minolestiya na 13-anyos na dalagita kasama ang kapwa rapper na si Sean “Diddy” Combs.
Base sa reklamo ng isang babae na bukod kay Sean Combs ay kasama rin umanong gumahasa sa kaniya ang rapper na si Jay-Z o Shawn Carter sa tunay na buhay.
Sinabi ng rapper na si Jay-Z na hindi na niya papalampasin ang insidente at kaniyang sasampahan ng kasong kriminal ang nagrereklamo.
Base sa biktima na, 13-anyos pa lamang siya noong nangyari ang insidente kung saan sumama lamang siya matapos ang Video Music Awards noong 2000.
Matapos na malasing ay doon siya nakatulog sa isang kuwarto at magkasunod siyang ginahasa.
Nakatakas lamang siya ng paluin si Combs at mabilis na umalis sa lugar.
Una ng nadiin sa mga kasong sex trafficking, racketeering conspiracy at prostitution na may kinalaman sa kaso.
Naghain na ito ng guilty plea sa mga kaso at mariing itinanggi ang lahat ng mga nasa 30 na kaso.