-- Advertisements --

Nakatakdang kasuhan ng rapper na si Jay-Z ang babaeng nag-akusa na gumahasa sa kaniya subalit ito iniatras din ang asunto.

Nitong Pebrero ay iniurong ng biktima ang kaso kung saan na-pressure lamang ito para makahingi ng pera.

Noong Oktubre ng nakaraang taon ng inihain ng hindi na pinangalanang biktima laban kay Shawn Carter o si Jay-Z at kay Sean “Diddy” Combs na gumahasa sa kaniya noong ito ay 13-anyos pa lamang.

Mariing itinanggi ng dalawa ang nasabing akusasyon.
Isinampa naman ni Jay-Z ang kasong defamation sa federal court ng Alabama.