-- Advertisements --
Nicki Minaj
Nicki Minaj/ IG post

Inanunsiyo ng rapper na si Nicki Minaj na ito ay ikinasal na.

Sa kaniyang social media account, ibinahagi nito ang larawan habang kasama ang asawa si Kenneth Petty.

Ipinakita rin nito sa kaniyang 106 million followers ang bagong pangalan niya na si “Onika Tanya Maraj-Petty”.

May video rin itong naipost sa araw ng kasal nila kung saan may wedding souvenirs na kinabibilangan ng mugs at baseball cap.

Pinalitan din ni Nicki ang kaniyang Twitter name sa “Mrs. Petty”.

Hindi naman nito pinansin ang puna ng marami na may mga kasong kinakaharap ang nobyo gaya ng pagpatay at attempted rape.