-- Advertisements --

Pumanaw ang platinum selling rapper na si Rich Homie Quan sa edad na 34.

Kinumpirma ito ng kaniyang pamilya sa bahay niya sa Atlanta subalit hindi na binanggit pa ang sanhi ng kaniyang kamatayan.

Si Dequantes Lamar ay unang sumikat noong 2013 sa kaniyang kantang “Type of Way” na sinundan ng mga kantang “Flex (Ooh, Ooh, Ooh” at “Ride Out”.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga iba’t-ibang rapper sa US matapos na malaman ang nasabing balita.