-- Advertisements --

Humingi ng kapatawaran ang rapper na si Sean “Diddy” Combs matapos ang pagkalat ng video ng pananakit nito sa dating nobyang si Cassandra “Cassie” Ventura.

Sa video na inilabas nito sa kaniyang social media account na , kaniyang tinatanggap ang anumang kaparusahan sa ginawa nito.

Labis itong nagsisi noong kaniyang ginawa hanggang sa kasalukuyan.
Humingi na rin ito ng tulong sa mga professional at sumailalim sa therapy maging pagsasailalim niya ng rehabilitation ay kaniyang gagawin.

Magugunitang kumalat ang video nito na pananakit kay Ventura na nangyar noon pang Marso 5, 2016.

Naganap ang insidente sa isang hotel sa Los Angeles.

Nagsimula ang relasyon ng dalawa noong 19 lamang si Ventura habang 37 na ang rapper.

Noong Nobyembre ng nakaraang taon ay nagkaayos na ang magkabilang panig sa kaso na inakusahan ang rapper ng kasong rape.

Mula noon ay may ilang mga kababaihan ang lumantad at naghain ng kaso laban sa rapper.

Noong nakaraang buwan ay ni-raid ng mga otoridad ang bahay nito sa Los Angeles at sa Miami, Florida bilang bahagi ng federal investigation sa human trafficking.