-- Advertisements --

Pumanaw na ang rapper na si Shock G o kilala bilang si Humpty Hump ng hip-hop group na Digital Underground sa edad na 57.

Hindi naman binanggit ng kampo nito ang kadahilanan ng pagkamatay ng rapper o si Gregory Edwards Jacobs sa totoong buhay.

Iniimbestigahan na rin ng Hillsborough Sheriff’s Office ang nasabing insidente kung may naganap na foul play sa pagkasawi ng rapper.

Dekada 90 ng pinasikat ng grupo ng mga kanta gaya ng “The Humpty Dance” at “Doowutchyalike”.

Inalalala naman ng ilang mga rapper si Shock G kung saan nagpost ng mga larawan sa kanilang social media sina Leslie Jones, Viola Davis at Ice Cubes.