-- Advertisements --

Inanunsiyo na ng rapper na si Nicki Minaj na ito ay buntis na.

https://www.instagram.com/p/CC3ffwbDEM5/

Sa kaniyang social media account, nagpost ito ng larawan habang hawak ang baby bump.

Mayroong simpleng caption lamang ito na #Preggy na mayroong yellow na heart emoji.

Ito ang unang anak nila ng 42-anyos na asawang si Kenneth ‘Zoo’ Petty.

Ikinasal ang 37-anyos na singer at si Petty noong 2019.