-- Advertisements --
Pop Smoke
Pop Smoke/ IG post

Patay ang US rapper na si Pop Smoke matapos na barilin ng hindi pa kilalang suspek sa bahay nito sa Los Angeles.

Kinumpirma ito ng record label na humahawak sa kaniya na Republic Records.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga kapulisan sa Los Angeles, pinasok ng hindi pa kilalang mga magnanakaw ang bahay ng biktima at ito ay binaril.

Dinala pa sa pagamutan si Bashar Barakah Jackson ang tunay na pangalan ng rapper subalit hindi na ito nagtagal.

Inaalam pa ng mga kapulisan ang pagkakakilanlan ng suspek.

Sumikat ang 20-anyos na rapper sa kanta nitong “Welcome to the Party 2019”.

Nagbigay naman tribute at pakikiramay ang kapwa rapper at singer na sina 50 cents ,Quavo at Nicki Minaj.