Kinasuhan ng iba’t-ibang kaso ang music mogul na si Sean “Diddy” Combs.
Sa ginawang pagbasa sa korte sa New York ay nahaharap sa kaso ang rapper ng racketeering conspiracy at sex trafficking.
Una ng naaresto ang rapper nitong gabi ng Lunes sa Park Hyatt Hotel sa Manhattan kung saan ang nasabing alegasyon ay bahagi ng 14- na pahina na reklamo.
Kinontra naman abogado nito na si Marc Agnifilo ang hatol at sinabing inosente ang kliyente nito at hindi ito guilty.
Taong 2016 ng sampahan ng kaso ang rapper ng dahil sa pambubugbog sa kaniyang dating nobya na si Cassie Ventura sa isang hotel sa Los Angeles.
Hawak ng korte ang video sa nasabing pananakit ng rapper sa dating nobyo kung saan makikitang pinagsisipa pa ito habang sila ay nasa lobby ng hotel.
Labis na nagsisi noon ang rapper at sinabing dumaan na ito ng therapy para mabago ang kaniyang pag-uugali.
Nitong Nobyembre ng nakaraang taon ng nagkaayos na ang dalawa.
Mula din ng buwan ng Nobyembre ay sinampahan rin ito ng sexual assault mula sa iba’t-ibang mga babae na kaniyang nakilala.
Noong nakaraang Marso ng magsagawa ng raid ang mga otoridad sa bahay ni Combs sa Los Angeles at Miami dahil ito ay sumasailalim sa imbestigasyon ng US Department of Homeland Security.