Naghabla na ng kaso ang tatlong concertgoers laban sa American rapper na si Travis Scott at sa mga organisers ng Astroworld music festival stampede sa Houston, Texas na ikinasawi ng walong katao.
Inakusahan si Scott at Aubrey Drake Graham ng neglignce ng isa sa mga concertgoers, ang 23-anyos na si Kristian Parades at humiling ng $1million bilang danyos sa natamong sugat sa naturang concert.
Nagsampa rin ng kaso sina Patrick Stennis at Manuel Souza laban sa American rapper at sa concert company na Live Nation.
Dalawang crminal investigation ang isinasagawa sa ngayon hinggil sa deadly stampede.
Katuwang ang narcotics bureau agents sa pag-iimbestiga matapos na maiulat na isang security guard ang naturukan ng droga.
Samantala sa kanyang Instagram message tiniyak ni Scott na nakikipagtulungan siya sa imbestigasyon, habang inamin din ang labis daw niya hinagpis sa pangyayari.
“I’m honestly just devastated,” ani Scott. “We’re actually working right now to identify the families so we can help assist them through this tough time.”