Inaresto ng pulisya ang CEO ng online news site na Rappler na si Maria Ressa nitong umaga sa Ninoy Aquino International Airport kaugnay ng kanyang kasong paglabag sa Anti-Dummy Law.
Sinalubong ng dalawang female police officer si Ressa makaraang lumapag ito sa main gateway ng paliparan dakong alas-7:00 ng umaga sa bisa ng arrest warrant.
Kung maaalala, kinasuhan kamakailan sa Pasig City Regional Trial Court ang veteran journalist at ilan sa mga miyembro ng 2016 board ng kompaniya.
Sa inihaing kaso sa Pasig Regional Trial Court, inaakusahan ni Senior Assistant City Prosecutor Randy Esteban sina Ressa at anim na iba pa sa pagpapahintulot sa banyagang kompaniyang Omidyar Network Fund na manghimasok sa operasyon ng Rappler sa pamamagitan ng pag-iisyu ng Philippine Depositary Receipts (PDR) sa investment firm noong 2015.
Nakapaglagak na ng P90,000 piyansa ang mga board members na sina Manuel Ayala, Nico Jose Nolledo, Glenda Gloria, James Bitanga, Felicia Atienza, at James Velasquez habang nasa ibang bansa si Ressa.
Bukod pa rito, napaulat din na kakasuhan din sila sa paglabag sa Securities Regulation Code.
May kaugnayan ang nasabing anti-dummy case sa inilabas na kautusan ng Securities and Exchange Commission sa pagbawi sa mga papeles ng Rappler dahil sa umano’y paglabag sa probisyon sa Saligang Batas na nagbabawal sa “foreign ownership†ng mass media.
Una nang iginiit ng Rappler na Pilipino ang nagmamay-ari sa kanilang kompaniya.
Para kay Ressa paglabag sa Saligang Batas ang pag-aresto sa kanya.
Will they actually arrest me again?! @rapplerdotcom this is insane. Such violations of the Bill of Rights and the PH Constitution,†sa isang online post nito ring umaga.
Umaalma si Ressa na mistulang kriminal daw ang pagturing sa kanya.
Inaasahang makalalaya rin ngayong araw ang veteran journalist kung makapagpiyansa na ng P90,000 sa korte.