-- Advertisements --
Pinahiya ng Oklahoma City Thunder ang isa sa top teams ngayong season na Toronto Raptors nang itumba sa score na 109-116.
Sumandal ang Thunder sa panibagong triple double performance ni Russell Westbrook na nagtala ng 18 points, 12 rebounds at 13 assists.
Tumulong din naman sina Paul George na may 28 points at si Dennis Schroder na mula sa bench ay umeksena sa 26 points.
Nasayang naman ang ginawa ni Kawhi Leonard na 37 points para sa Raptors at ni Pascal Siakam na nagpakita ng 25.
Hindi naman nakalaro sa team ang All-Star point guard na si Kyle Lowry.
Ito na ang ika-43-30 record ng Thunder, habang hawak ng Raptors ang 51-22 kartada.
Ang next game ng Thunder ay sa Memphis sa Martes.
Host naman ang Raptors sa Charlotte.