-- Advertisements --

Tumipa ng 39 points si Kawhi Leonard upang pamunuan ang Toronto Raptors sa pagdiskaril sa Philadelphia 76ers, 101-96, upang pantayin sa 2-2 ang kanilang Eastern Conference semifinal series.

Umasiste rin sina Marc Gasol na kumamada ng 16, Kyle Lowry 14, upang makabawi ang Raptors sa magkakasunod na pagkatalo at mahablot muli ang home-court advantage.

“We needed some punch around the roster,” wika ni Raptors coach Nick Nurse. “It was a different mentality. Guys were looking to shoot, taking the first shot that was there.”

Dadalhin ang Game 5 sa Toronto sa araw ng Miyerkules.

Sa kabilang dako, humugot naman ng 29 points si Jimmy Butler at si JJ Redick 19 para sa Philadelphia, na sinusubukang makatuntong sa NBA Finals sa unang pagkakataon mula noong 2001.

Nalimitahan naman sa 11 si big man Joel Embiid dahil sa paglalaro nito kahit may iniindang sakit.