Pinahiya ng Miami Heat ang NBA defending champion na Toronto Raptors gamit ang kanilang best defensive performance, 84-76.
Bumangon sa panalo ang Heat mula sa pagkatalo nitong nakalipas na mga araw para kilalanin na tanging team sa NBA kasama ang top team na Milwaukee Bucks na kailanman ay hindi pa nakaranas ng dalawang magkasunod na talo.
Nanguna sa diskarte ng Miami sina Bam Adebayo na may 15 points at 14 rebounds kasama sina Tyler Herro at Goran Dragic na may tig-13 points para iposte ang 25-9 record.
Inalat ng husto ang Raptors (23-12) lalo na sa three point area habang hindi rin naglaro sina Marc Gasol at Pascal Siakam dahil sa injury na siyang sinamantala naman ng Miami.
Sa panig ng Raptors nasayang din ang ginawa nina Serge Ibaka na may 19 points at 10 rebounds at si Kyle Lowry na nagdagdag ng 15 points.
Lumalabas na ang Raptors ay meron lamang 31.5% sa nakakadismayang 6 for 42 mula sa 3-point range.
Ang next game ng Raptors ay bibisita sa Brooklyn sa Linggo.
Habang ang Heat ay tutunguhin naman ang Orlando sa Sabado.