-- Advertisements --

Binasag ng basket ni Stanley Johnson ang deadlock sa nalalabing 4.9 segundo upang ibigay sa Toronto Raptors ang 125-121 paghahari kontra Philadelphia 76ers.

Nagsanib-puwersa para sa Raptors sina Kyle Lowry at Chris Boucher na kapwa pumoste ng 19 points.

May 17 puntos naman si Norman Powell, at nagtapos na may 15 si Pascal Siakam.

Bunsod nito, inilista ng defending NBA champions ikatlong sunod na panalo sa loob ng Walt Disney World campus.

Handa na rin daw ang Raptors sa kanilang first-round series kontra sa No. 7 na Brooklyn Nets.

Tumabo ng 22 points si Tobias Harris para sa panig ng 76ers, na kinandado na ang No. 6 seed sa Eastern Conference upang makasagupa ang Boston Celtics sa kanilang first-round matchup.