Maraming “firsts” sa NBA history ang kasabay na naitala sa pagkampeon ng Toronto Raptors.
Isa na rito ang player na si Jeremy Lin.Kahit man hindi masyadong nagamit ang serbisyo ni Lin sa buong Finals na isang minuto lamang, hindi maitatatwa na bahagi pa rin ito ng team na binansagang world champion.
Ang 30-anyos na si Lin ang kauna unahang Asian American player na bahagi ng isang kampeon na NBA team.
May dugo kasing Taiwanese o Chinese si Lin.
Una rito, inabot lamang sa 27 minutes ang itinagal na laro ni Lin sa post season.
Samantala, si Lin din ang unang dating Harvard player na nakasungkit ng champion’s ring.
Ipinaabot naman ni Lin ang todong pasasalamat sa pamamagitan ng kanyang social media account.
“God is perfectly the same through the highs and the lows. Ive believed this through all the down times and He’s just as good at the mountaintop! #AllglorytoGod #NBAchamps”
Kung maaalala bago lamang lumipat si Lin noong buwan ng Pebrero sa Raptors mula sa Hawks.
Noong 2012 habang nasa Knicks pa sya doon naman sya binansagan bilang “Linsanity” na umani ng global craze nang pangunahan ang ilang winning games ng team.