-- Advertisements --

Nakuha ng Toronto Raptors ang 2-0 kalamangan kontra Brooklyn Nets, 104-99 sa first round ng NBA playoffs sa Eastern Conference.

Bumandera ang nagawang tig 24-points nina Fred VanVleet at Norman Powell ng NBA defending champion.

Hawak pa ng Nets ang kalamangan sa pagpasok ng 2nd half kung saan umabot pa ito sa 14 points.

May tsansa pa sanang maitabla ng Nets ang score 102-99 sa natitirang 8.5 seconds ng laro subalit nasungkit ni Kyle Lowry ang pasa ni Joe Harris na tinapos naman ni Powell sa kaniyang dunk.

Ang Game 3 ay gagawin sa Sabado.