Inamin ng Toronto Raptors players na wala pa silang dapat isagawang maagang selebrasyon kahit abanse na sila sa serye, 3-1, laban sa karibal na Golden State Warriors.
Minaliit lamang ni Toronto guard Kyle Lowry ang kanilang momentum at sinabing kaya hindi silang nagbubunyi ngayon bunsod na hindi pa naman nila nakokompleto ang apat na panalo.
Napansin kasi ng ilang observers kung bakit hindi masyadong ngumingiti ang mga players sa locker room ng Raptors sa Oracle Arena.
“We didn’t do nothing yet,” ani Lowry. “We haven’t done anything. We won three games. It’s the first to four. We understand that. They’re the defending champs, and they’re not going to go out easy.”
Maging ang tinaguriang “breakout performer” na si Serge Ibaka na nagpakitang gilas sa Game 4 ay nagsabing ang kanilang 3-1 na abanse ay baliwala lamang sa isang dekalidad na team tulad ng Warriors.
Noong taong 2015 kasi si Ibaka ay bahagi pa ng Thunder at nakakalamang din sila ng 3-1 sa Western Conference Finals pero sa huli ay nasilat pa sila sa nagkampeon na Warriors.
Sumegunda naman si Kawhi Leonard sa pagsasabing, kinokondisyon din daw nila ang kanilang mga sarili na ‘wag mainip, ‘wag magmadali at ayusing maisagawa ang kanilang mga inihandang diskarte sa playing court sa Game 5 sa kanilang teritoryo sa Toronto.