-- Advertisements --

Sumandal ang Toronto Raptors sa big performance ni Pascal Siakam upang pantayan ang kanyang career high na 44 points at itumba ang New Orleans Pelicans, 122-104.

Ginamit din ng Toronto ang 45-point sa second quarter upang tuluyang ma-control ang laro at iposte ang 6-2 record.

Ang Pelicans naman ay lalong nalaglag sa 1-7.

Dinomina ng Raptors ang laro sa kabila na ang starting point guard na si Kyle Lowry na may injury sa left thumb at si Serge Ibaka na meron namang sprained right ankle, ay bigong makabalik sa buong second half.

Sa first quarter pa lamang si Siakam ay umiskor na ng 16 points at 20 rebounds.

Epektibo rin ang pagtulong ni Fred VanVleet sa kanyang 12 points at 11 assists, at si OG Anunoby ay nagbuslo ng 21 points at seven rebounds.

Sa kampo ng Pelicans si Brandon Ingram ay nanguna sa kanyang 27 points.