Babaguhin umano ng Toronto Raptors ang kanilang lineup sa pagsisimula ng Game 3 Eastern conference finals nila ng Milwaukee Bucks.
Sinabi ni Raptors coach Nick Nurse na kailangan maipanalo nila ang apat sa limang laro para makapasok sila sa finals na siyang unang beses sa buong kasaysayan ng franchise.
Dagdag pa nito, babaguhin daw nila ang kanilang starting lineups subalit hindi na nito binanggit pa kung sino ang kaniyang isasabak kaagad.
Nilinaw nito na malaki pa rin ang tiwala niya sa mga naunang line up niya subalit kailangan niya ng kaunting pagbabago.
Ilan sa mga nakita niyang problema ay ang naging kahinaan na kaniyang mga manlalaro sa Game 2 gaya nina Marc Gasol at Danny Green na labis na nabantayan ng Bucks.
Kapansin pansin din na walang pantapat ang Raptors sa ipinapakitang all around game ni Giannis Antetokounmpo.
Nauna rito hawak na ng Bucks ang 2-0 na kalamangan kontra sa Raptors sa kanilang best of seven series.