Sinamantala ng Toronto Raptors ang kawalan ni Giannis Antetokounmpo upang wakasan ang walong sunod-sunod na panalo nang masilat sa score na 97-93.
Bumida si Fred VanVleet sa fourth quarter nang maipasok ang 13 sa kanyang kabuuang 29 points upang mapaganda ang kanilang record sa 10-13.
Ang Bucks naman ay natigil sa 14-9 kartada.
Pinagpahinga muna ng team si Giannis isang araw matapos ang matinding laro kahapon kontra Hornets kung saan nakalusot sila nang magbuhos ng 40 points ang tinaguriang Greek freak.
Samantala, malaking tulong din sa opensa sina Pascal Siakam na may 20 points at si Scottie Barnes na nagdagdag ng 13 puntos para tuldukan din ang five-game home losing streak ng Raptors.
Ngayong season kasi ang Toronto ay 3-8 pa lamang sa kanilang teritoryo.