Pinatawan ng lifetime ban ng NBA si Jontay Porter ng Toronto Raptors dahil sa paglabag sa gambling policy.
Sa inilabas na imbestigasyon ng NBA na noong Marso 20 ay naglaro lamang ng tatlong minuto si Porter dahil umano ito ay may masamang karamdaman.
Lumabas na bago ang laro ay may pinagsabihan na siya sa kaniyang kalusugan at napatunayan na ito ay isang NBA bettor.
Nakasaad sa nasabing imbestigasyon na pumusta ang indibidwal ng $80,000 para sa hindi paglalaro ni Porter at ito ay nagwagi ng $1.1 milyon.
Dahil sa kahinahinalang aktibidad sa sugal ng bettor ay hindi pinayagan ang taya at hindi rin ito binayaran.
Lumabas din na tumaya rin Porter sa mga online betting mula $15 hanggang $22,000.
Sinabi ni NBA commissioner Adam Silver na nais nilang protektahan ang integredad ng mga manlalaro at ang liga kaya pinatawan nila ng parusa si Porter.