-- Advertisements --

Lumiban sa paglalaro si Toronto Raptors point guard Goran Dragic.

Ayon kay Raptors general manager Bobby Webster na naghain ng “Indefinite leave” ang 35-anyos na manlalaro.

Suportado naman nina Raptors coach Nick Nurse at president of basketball operations Masai Ujiri sa desisyon ni Dragic.

Personal rason aniya ang kaniyang pagliban sa paglalaro at makakasama naman siya sa mga ensayo na gagawin ng mga koponan.

Ito na ngayon ang pang-14th season na paglalaro niya kung saan mayroong average 13.9 points, 4.8 assists na naglaro sa Phoenix Suns, Houston Rockets at Miami Heat.