-- Advertisements --

Hindi napigilan ng Orlando Magic ang 1-point win ng Toronto Raptors sa tulong ng clutch 3 point ni Raptors guard Ja’Kobe Walter.

Ang panalo ng Raptors ay sa kabila ng 40-point performance ni Paolo Banchero, kasama ang tig-walong rebounds at assists.

44 seconds bago matapos ang laro, naitabla ng Magic ang score sa 108 matapos habulin ang 6-point deficit sa 3rd quarter.

Magkasunod namang nagpasok ng tres sina Raptors bench AJ Lawson at at Magic forward Paolo Banchero, daan upang dalhin sa all-111 ang score.

Apat na segundo bago matapos ang laro, ginawaran ng free throw si Banchero matapos siyang ma-foul ni Jamal Shead – tuluyan ding naipasok ang dalawang libre, 111 – 113.

Agad namang nagpatawag ang Raptors ng timeout at sa pagpasok ng play ay agad ipinasok ni Walter ang 24-foot three pointer.

Hindi na nagawa ng Magic na bumangon pa at natapos ang laban sa 114 – 113.

Anim na player ng Raptors ang gumawa ng tig-double-digit points sa pangunguna ni RJ Barrett na kumamada ng 21 points, 8 rebs, at 9 assts.