-- Advertisements --
Vietnamese3

(Update) BUTUAN CITY – Isasailalim sa laboratory test ang mga nakumpiskang pinaniniwalaang Agarwood wedges mula sa limang Vietnamese na nahuli sa magkaibang pagkakataon kahapon Butuan City.

Ayon kay Butuan City Police Office (BCPO) Dir. Col Alberto Magno, ipapadala pa nila sa laboratory ang nasabing mga kahoy upang malaman ang species nito na siyang magiging basehan sa isasampang kaso laban sa mga responsable.

Matatandaang nakuha mula kina Nguyen Thi Chung, 40, babae, residente ng Hanoi; Diep Thi Bich, 45, babae, residente ng Hoa Binh at Vu Van Trang, 33, lalaki, residente ng Nam Dinh parehong sakop ng Vietnam ang halos P1.8 milyong cash.

Samantala, dalawang iba pang mga Vietnamese naman ang na-hold sa Bancasi Airport dakong alas-5:00 din ng umaga kahapon kung saan narekober mula sa kanilang posisyon ang kagayang mga kahoy na isinilid sa 17 bags.

Vietnamese4

Nakuha rin mula sa posisyon nina To Quoc Vo at To Tien Phat, 21, ang red corals na may timbang na isa at kalahating kilo at ang P4 million cash.

Sa ngayon, patuloy pang ina-assess ang kabuuang halaga sa nasabing kahoy na mas mahal pa umano kung ibebenta sa ibang bansa.

Subject for regular filing na ang mga kasong paglabag sa RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001 at paglabag din sa Section 68 PD 705 o Revised Forestry Code of the Philippines ang mga Vietnamese nationals na nabigyan na ng abogado.

Habang inihayag naman ni Bureau of Immigration (BI) Alien Controller officer Harold Pacasum na kanila pang bineberipika ang pasaporte ng nasabing mga dayuhan upang malaman kung saang terminal ang naging entry point nang pumasok ang mga ito sa bansa.

Base sa valuation, mas mahal ng 100 porsiyento ang halaga ng Agarwood kaysa sa ginto.