-- Advertisements --
VP Leni Robredo ICAD report

Ipinagtataka ng MalacaƱang kung bakit pinatatagal pa ni Vice President Leni Robredo ang pagsasapubliko ng kanyang report kaugnay sa anti-drug war ng Duterte administration.

Una nang itinakda ni VP Robredo ang pag-aanunsyo ng mga natuklasan sa anti-drug war ngayong araw pero hindi muna niya itinuloy para umano makatutok ang publiko sa pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng lindol sa Mindanao.

Pero sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi nila tinatanggap ang nasabing dahilan ni VP Robredo dahil dapat matagal na niya itong ginawa.

Ayon kay Sec. Panelo, mahirap kasing magpanggap na may ilalabas kung talaga namang walang mailalabas na anuman.

Iginiit ni Sec. Panelo na kung talagang may nakita o natuklasan si VP Robredo sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga, masama man ito o mabuti, dapat sa simula pa lamang ay kanya ng isiniwalat.